Friday, September 10, 2010

Tween star Kristoffer Martin stays with GMA-7, while screen partner Kathryn Bernardo returns to ABS-CBN

Nakakalungkot po kasi kasisimula pa lang ng love team namin, buwag na kaagad. Nakakapanghinayang kasi maganda naman po yung kinalabasan nung tandem namin at maraming nagsasabing bagay daw kami on and off screen," says Kristoffer Martin about his aborted love team with Kathryn Bernardo.
Masaya na malungkot ang teen star na si Kristoffer Martin sa pagbabalik sa ABS-CBN ng kanyang co-star sa Endless Love na si Kathryn Bernardo. Sina Kristoffer at Kathryn ang gumanap bilang mga batang Johnny (Dingdong Dantes) at Jenny (Marian Rivera) sa primetime series ng GMA-7 na Endless Love Parehong galing sa ABS-CBN at Star Magic ang dalawang teen stars. Pero pagkatapos ng Endless Love ay nanatili si Kristoffer sa GMA-7, samantalang bumalik sa ABS-CBN si Kathryn."Nakakalungkot po kasi kasisimula pa lang ng love team namin, buwag na kaagad," sabi ni Kristoffer sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Nakakapanghinayang kasi maganda naman po yung kinalabasan nung tandem namin at maraming nagsasabing bagay daw kami on and off screen.
"Tatlong fans club na nga ang meron kami kahit isang show [Endless Love] pa lang yung pinagsasamahan naming dalawa.

"Kaya kahit nga sila, nalungkot nang malaman nila na hindi na kami magkakapareha ni Kathryn dahil bumalik na siya sa ABS-CBN.

"Pero sabi naman ng mga fans namin, kahit nasaan kami, patuloy pa rin naman daw nila kaming susuportahan."

Nakausap ng PEP si Kristoffer sa pictorial ng upcoming episode ng Lovebug, ang "Tween Hearts," sa third floor ng GMA Network Studios noong Sabado, September 18.
Kasama ni Kristoffer sa cast ng "Tween Hearts" ang kapwa niya Tween Stars ng GMA-7 sa pangunguna nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio.