Sa nalalapit na pagtatapos ng GMA-7 afternoon soap na Kakambal Ni Eliana, hindi maiwasan ng cast members na malungkot sa last taping day ng serye na ginawa sa Subic.
Nakapanayam
ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa leading men ng
serye na si Kristoffer Martin—via direct messaging ng Twitter ngayong
araw, August 2—at sinabi niyang marami siyang mami-miss sa show, lalo na
ang magandang samahan nila.
Saad ng young actor, “Sobrang okay kaming lahat sa set ng show—walang intriga, lahat nagkakasundo, lahat nagbibigayan.
“Sabi nga nila, ang babait naming lahat sa show.
“Kahit
nga raw yung mga kontrabida ng show namin na sina Tita Shey [Sherilyn
Reyes-Tan] at Lexi [Fernandez], masaya silang kasama kapag
nagkukuwentuhan kami.
“Wala raw nabalitang may nag-aaway sa amin, very pleasant nga raw parati ang taping namin.
“Lahat kami kasi, magkakaibigan at maganda ang bonding namin, kaya walang problema tuwing taping namin.
“Very
thankful nga ako na nagkaroon ako ng chance to work with the likes of
Mr. Jomari Yllana, Ms. Jean Garcia, Ms. Eva Darren, Mr. Ernie Garcia,
Mr. Rez Cortez, at Mr. Leo Martinez.
“Mararamdaman mo talaga yung word na ‘family’ doon sa set namin.
“Kaya
sobra kong mami-miss lahat ng mga tao sa show na ito, kasama na doon
ang mga crew namin na nakikipagpuyatan sa amin parati.”